Ang pagiging makabayan ay hindi nangangailan ng buwis-buhay na paggawa sa isang kumpanya. Sapat nang sa pagtapak pa lamang ng pintuan ng pinagtatrabahuhan ay buong-buong inaakap ang kumpanyang nagsisilbing tahanan maghapon. At kapag tahanan ang pinagsisilbihan, hindi lamang isip ang gumagana kungdi na rin ang puso.
Pagpasok ng tama sa oras. Paggawa ng mga nakaatang na gawain na hindi ipinagpapabukas pa at mabuting pakikitungo sa kapuwa empleyado. Iyan ang mga totoong makabayan. Sa aking palagay, sa magsasampung taon ko nang pananatili sa Bayan Telecommunications, naisasabuhay ko ang pagiging makabayan sa aking pananaw at pinaniniwalaan.
Hindi ako nag-iisa sa Bayan Telecommunications na nagsasabuhay ng diwang ito. Marami kami. Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdadaanan ng aming kumpanya, hindi kami matitinag na ipakita na kayang kaya naming makipagsabayan dahil ang aming kumpanya ay para sa kapuwa Pilipino na umaasa ding mapakinggan ang kanilang boses. Mga Pilipino kaming magsisilbi sa aming kapuwa. Mga Pilipino kaming nagtatrabaho upang maihatid namin ang serbisyong inaasahan sa amin ng aming kliyente na pagkaminsa’y nagiging kapamilya pa ang turing namin sa kanila.
Nakakataba ng puso na makatatanggap ako ng liham o kaya’y tawag mula sa aking mga kliyente. Dama ko ang kanilang pasasalamat sa serbisyong aking ibinibigay sa kanila. Sapat na ang mga ngiti nila, pampawi na sa maghapong paggawa. Hindi ba’t kaysarap isipin nito na nakakatulong tayo sa paghaba ng buhay nila dahil hindi tayo ang nagiging dahilan ng kanilang pagkabagot at pagkahapo? ‘Yan ang natatanging hiwaga marahil ng mga tao sa Bayan Telecommunications. May puso, marunong magsaya at tulong-tulong sa iisang mithiin. Isa itong maliwanag na pagpapakita ng pagiging makabayan na siya kong natutunan at dapat na dalhin saan man ako tutungo. Buhay ang diwa ng bayanihan dito sa amin. Magkakaramay kami sa lungkot at saya. Isa iyong indikasyon na buhay na buhay ang pagiging makabayan namin.
Ang pagiging makabayan ay hindi nangangailan ng buwis-buhay na paggawa sa isang kumpanya. Paniniwalaan ko na sa aking pagtatrabaho sa Bayan Telecommunications ay magkatulong kaming dalawa upang isulong ang pagiging makabayan dahil ako at ang Bayan Telecommunications ay iisa ang mithiin para sa Pilipino.
Maka-BAYAN ako at ang aking kumpanya. Hindi nagyayabang pero magiting na ipinapaalam.
Joel Pelandiana of Bayan Telecommunications is the sole writer among the four finalists who crafted his essay in Filipino. The 32-year-old joined Bayan right out of college in 2002, and currently holds the position of Metro Manila Corporate Collection Specialist for the company’s Billing and Collection Department, under its Finance Division. Joel is also a passionate blogger, with his blog http://kainaman.wordpress.com/<http://kainaman.wordpress.com/> and his written works already receiving of a number of awards. His prime purpose for blogging is to share his advocacy to enrich our Filipino language in order to preserve our culture and tradition in a distinct way of being a Filipino. (by Joel Pelandiana)